Patakaran sa Hindi-Pagpapa-dualidad at Pagkakaloob ng Pag-access
Sumusunod ang Northbay Health sa naaangkop na mga batas sa karapatang sibil ng Pederal at hindi nagdidiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian (kabilang ang pagbubuntis, sekswal na oryentasyon, at pagkakakilanlan o pagpapahayag ng kasarian). Hindi rin ibinubukod o tinatrato nang kakaiba ng Northbay Health ang sinuman batay sa lahi, kulay, etnisidad, relihiyon, katayuan sa pag-aasawa, kultura, bansang pinagmulan, edad, kapansanang pisikal o mental, o katayuang panlipunan at pangkabuhayan.
Tinitiyak ng Northbay Health ang pakiramdam ng pagiging tinatanggap at hindi ibinubukod o tinatrato ang mga tao nang kakaiba batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian (kabilang ang pagbubuntis, sekswal na oryentasyon, at pagkakakilanlan ng kasarian).
Nagbibigay ang Northbay Health ng sumusunod na tulong sa wika/komunikasyon:
1. Mga Sanggunian sa Wika:
- May kontrata ang Northbay Healthcare sa Cyracom International Inc. para sa 24 na oras sa isang araw na serbisyong pag-interpret sa pamamagitan ng telepono.
- Magagamit ang Cyracom Blue Phones, o mga handheld phone sa mga inpatient unit at sa lahat ng lugar ng serbisyo para sa outpatient.
- Para sa mga tumatawag mula sa loob, kunin ang handset, pindutin ang asul na buton at sabihin ang wika na kailangang ma-access. Nakaprograma ang mga telepono ng Cyracom na may mga pin number ng unit/department. O i-dial ang 1414 o 1-866-745-5010 mula sa anumang telepono ng Northbay Healthcare.Nakaprograma ang mga handheld phone na may application ng Cyracom.
- Para sa mga tumatawag mula sa labas, i-dial ang (707) 641-2185 o (707) 514-3605.Ida-dial ng operator ng ospital ang 1414 upang kumonekta sa sistema ng Cyracom para sa naaangkop na interpreter.
- Magagamit ang Video Remote Interpreting (VRI), sa pamamagitan ng Cyracom, sa pag-interpret nang personal at sinasalita. Makukuha ang VRI sa inpatient/mga ED; at mga setting na pang-outpatient na nilagyan ng mga IPad na may application ng Cyracom.
2. Mga Sanggunian sa Pandinig/Pagsasalita:
- Magagamit ang Video Remote Interpreting (VRI), sa pamamagitan ng Cyracom, ng mga indibidwal na bingi, o nahihirapang makarinig at nangangailangan ng mga serbisyong pag-interpret (ibig sabihin: American Sign Language). Magagamit ang VRI sa mga unit na pang-inpatient/mga ED/mga lugar na pang-outpatient na nilagyan ng mga iPad na may application ng Cyrocom.
- Magagamit ang California Relay Service (CRS) ng mga bingi, nahihirapang makarinig, o nahihirapang magsalita.
- Para kumonekta sa isang Relay Communication Assistant (CA), mula sa TTY/TDD i-dial ang 711, o (800)735-2929.
- Gamit ang voice telephone, i-dial ang (800) 735-2922.
- Para sa lahat ng tumatawag (mula sa loob at mula sa labas), ibigay sa CA ang numerong iyong tinatawagan.Magpapabatid ng impormasyon ang CA sa pamamagitan ng pag-type at pagsasalita.
*TANDAAN: para sa face-to-facen na pag-interpret gamit ang ASL, magagamit ang mga serbisyo ng VRI na nabanggit sa itaas.
3. Mga Biswal na Sanggunian:
- Para sa mga pasyenteng may kapansanan sa paningin, babasahin ng mga kawani ng pangangalagang pangkalusugan ang mga babasawin sa kanila, kung naaangkop, at/o, sa pahintulot ng pasyente, makikipag ugnayan siya sa pamilya at mga kaibigan ng pasyente upang makilahok sa pag-uusap at pagtuturo nang hindi naiiba sa ginagawa para sa mga pasyenteng may mga kakayahang makakita.
Maghain ng reklamo
Kung naniniwala ka na nabigo ang Northbay Health na magbigay ng mga serbisyong ito o nandiskrimina sa ibang paraan batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, o kasarian (kabilang ang pagbubuntis, sekswal na oryentasyon, at pagkakakilanlan ng kasarian), maaari kang maghain ng reklamo. Mangyaring isama ang sumusunod na impormasyon:
- Ang iyong pangalan
- Ang iyong petsa ng kapanganakan
- Buong address
- Mga numero ng telepono (isama ang area code)
- E-mail address (kung mayroon)
- Pangalan, buong address at numero ng telepono ng tao, ospital, o kasanayan na pinaniniwalaan mong nandiskrimina sa iyo
- Maikling paglalarawan ng kung ano ang nangyari, kabilang ang kung paano, bakit, at kailan ka naniniwala na nilabag ang iyong (o ng ibang tao) karapatang sibil
- Anumang iba pang kaugnay na impormasyon
- Ang iyong lagda at petsa ng reklamo
- Ang pangalan ng taong ipinaghahain mo ng reklamo kung ikaw ang naghahain ng reklamo sa ngalan niya
Maaari mo ring isama ang:
- Anumang espesyal na akomodasyon para maipabatid namin sa iyo tungkol sa reklamong ito
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa isang taong makatutulong sa amin na makaugnayan ka kung hindi ka namin direktang makaugnayan
- Kung naghain ka ng iyong reklamo sa ibang lugar at kung saan ka naghain ng reklamo
MAAARI KANG MAGHAIN NG REKLAMO SA ALINMAN O SA LAHAT NG SUMUSUNOD:
Northbay Health, Departamento ng Reklamo
Telephone: (707) 646-4282
Email: feedback@northbay.org
California Department of Public Health
Field Operations - North Division
Sacramento District Office
3901 Lennane Drive, Suite 210
Sacramento, CA 95834
(916) 263-5800/Fax: (916) 263-5840
Email: CDPH-LNC-Sacramento@cdph.ca.gov
U.S. Department of Health and Human Services Office for Civil Rights
200 Independence Avenue, SW
Room 509F, HHH Building
Washington, D.C. 20201
1-800-368-1019, 800-537-7697 (TDD)
Makukuha ang mga form ng reklamo sa https://www.hhs.gov/ocr/complaints/index.html
Para sa karagdagang impormasyon
Bisitahin ang website ng Social Security Administration ng pederal na pamahalaan para sa karagdagang impormasyon.


